TSE_v3.1_logo_2019
  • LATEST NEWS

    Leni Robredo tells supporters: ‘Walang nasayang, hindi tayo nabigo’

    MANILA, Philippines – Presidential aspirant Leni Robredo delivered a lengthy message to her supporters and the rest of the Filipinos.

    Presidential aspirant Leni Robredo thanks supporters
    Presidential aspirant Leni Robredo thanks supporters | Photo Courtesy: Leni Media Bureau

    A day after the Filipinos cast their ballots on election day, Robredo sent a heartfelt message early morning on May 10, Tuesday. Robredo expressed her appreciation to all her supporters after the partial and unofficial results showed her in second spot in the 2022 presidential race.

    Robredo began by thanking all the volunteers and supporters who worked tirelessly during her campaign. She said she truly feels their love, “Hindi kayang sukatin ng numero ang lalim ng pagmamahal ninyo.”

    She admitted to feeling disappointed with the figures in the polls. “Alam kong hindi madaling tanggapin sa inyo ang mga numerong lumalabas sa quick count. Hindi lang panghihinayang, kundi malinaw na pagkadismaya ang nararamdaman ng ating hanay. Mulat din ako.”

    But she urged her supporters to remain vigilant and continue to wait for the final results of the polls. Robredo reiterated that whatever the results may be, it should not be a reason to cause a divide in the nation. She reminded everyone to respect the results of the election.

    “Gayunpaman, sinasabi ko sa inyo, alam kong mahal natin ang bansa. Pero hindi ito pwedeng maging ugat pa ng pagkakawatak-watak ng pagmamahal na ito,” she said.

    “Bagaman may hindi pa nabibilang, bagaman may mga tanong pa sa eleksyon na ito na kailangan matuldukan, palinaw na ng palinaw ang tinig ng taongbayan. Sa ngalan ng Pilipinas na alam kong mahal na mahal ninyo, kailangan nating pakinggan ang tinig na ito dahil sa huli, iisa lang ang bayang pinagsasaluhan natin,” Robredo added.

    The presidential aspirant encouraged her supporters to look back at how far they went and how much they have accomplished. She admitted that she knew the fight was challenging but she was inspired by the “Bayanihan” shown by the people.

    “Sa ngayon, balikan ang lahat ng pinagdaanan natin nitong nakaraang buwan. Napakaraming sandali kung saan pinuno ng hiwaga ang mga puso natin. Noon pa man, alam natin kung gaano kahirap ang labang kahaharapin natin. Nagsimula tayo sa halos wala. Pero unti-unti, dumating ang nagaambagan,” she said.

    Robredo reminded her supporters that they were able to start something great in the country and they will continue it.

    “Ginawa ko ang lahat ng makakaya. Nilampasan ninyo ito nang mas higit pa. Walang dadaig sa kapayapaang dala ng katotohanang ito. Maging panatag sa inyong ambag. May nasimulan tayong hindi kailanman nasaksihan sa buong kasaysayan ng bansa,” Robredo stated.

    She motivated her supporters that their efforts were not put to waste and that their fight will continue.

    “Kaya sinasabi ko sa inyo, walang nasayang. Hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga, hindi pa tayo tapos. Nagsisimula pa lang tayo. May landas na nagbukas at hindi ito nagsasara kasabay ng mga presinto. May kilusang isinilang at hindi ito papanaw sa pagpagtatapos ng bilangan. Ang namulat, hindi na muli mapipikit. Hindi natin kailanman hahayaang makatulog muli ang pag-asang magising,” she said.

    In the end, Robredo reminded us that elections happen every three years and between those years, everyone has a chance to participate in nation-building. She urged everyone to continue making a stand for truth and justice.

    “Maaring hindi ngayon, hindi bukas o sa makalawa, o sa susunod na taon, pero may liwanag pa ring nag-aabang basta’t dapat tayong magsikap na abutin ito. Wala nang mas lilinaw pang patunay sa naabot natin sa kampanyang ito,” she said.

    “Nasa kamay ng karaniwang Pilipino ang tunay na kapangyarihan. Kayo ang totoong namumuno, sumusunod lang ako. Huwag mapagod. Bukas at magpakailanman, magkakasama ang lahat ng Pilipino. Maraming, maraming salamat. Mabuhay ang sambayanang Pilipino,” she ended.

    PAHAYAG NI VICE PRESIDENT LENI ROBREDO UKOL SA HALALAN NG 2022 Una sa lahat, hayaan ninyo akong magpasalamat. Sa lahat ng bumoto. Sa lahat ng nangumbinsi sa kanilang mga pamilya, kaibigan, kakilala, kahit ng mga di kakilala, sa iba't ibang paraan. Sa mga nagtaya ng karera at pangalan sa pagbabahagi ng ating mensahe. Sa milyon-milyong nagtipon sa mga rally, nag-house-to-house, nagpaskil ng mga tarps, nagpost sa social media, nagsulat, gumawa ng mga video at patalastas, sa mga medic, sa mga kusang naglinis sa ating mga rally, nagpinta at tumugtog at nagpahiram ng boses para maipakita ang lakas ng taumbayang nakatikim ng pag-asa. Hindi kayang sukatin ng numero ang lalim ng pagmamahal ninyo. Maraming, maraming salamat sa inyo. Alam kong hindi madaling tanggapin sa inyo ang mga numerong lumalabas sa quick count. Hindi lang panghihinayang, kundi malinaw na pagkadismaya ang nararamdaman ng ating hanay. Mulat din ako: Ang pagkadismayang ito, maaaring lalong kumulo, lalo pa dahil may naiulat na irregularities sa halalang ito. Hanggang ngayon, mayroon pang mga taong hindi pa nabibilang ang boto. Meron sa inyong buong araw nang nasa mga presinto at nananatili doon hanggang ngayon, hinihintay na maipasok ang balota sa mga makina. Kaisa ninyo ako sa paniniwala na kailangang isalamin ng halalan ang buo at wastong tinig ng taumbayan. Mahalagang maging mas matibay ang tiwala ng tao sa proseso ng ating demokrasya. Gagawin natin ang lahat para maabot ang layuning ito. Gayumpaman, sinasabi ko sa inyo: Alam kong mahal natin ang bansa, pero hindi puwedeng maging ugat pa ng pagkakawatak-watak ang pagmamahal na ito. Bagaman may hindi pa nabibilang; bagaman may mga tanong pa ukol sa eleksyon na ito na kailangang matugunan: Palinaw na nang palinaw ang tinig ng taumbayan. Sa ngalan ng Pilipinas na alam kong mahal na mahal rin ninyo: Kailangan nating pakinggan ang tinig na ito, dahil sa huli, iisa lang ang bayang pinagsasaluhan natin. Sa ngayon, balikan ang lahat ng mga pinagdaanan natin nitong mga nakaraang buwan. Napakaraming sandali kung kailan pinuno ng hiwaga ang mga puso natin. Noon pa man, alam natin kung gaano kahirap ang labang kakaharapin natin. Nagsimula tayo sa halos wala. Pero unti-unti, dumating ang nag-aambagan, dumami nang dumami ang nagbabayanihan. Dinapuan kayo ng inspirasyon at lumikha ng sining. Dahil sa pagbubukas-palad ninyo, palaging nag-uumapaw ang pagkain at tubig sa mga pagtitipon natin. Alam kong napakaraming pagkakataon na napagod kayo, pero lagi, nairaos ninyo ang susunod na hakbang. Ginawa ko ang lahat ng makakaya; tinumbasan ninyo ito, minsan higit pa. Walang dadaig sa kapayapaang dala ng katotohanang ito. Maging panatag sa inyong ambag: May nasimulan tayong hindi pa kailanman nasasaksihan sa buong kasaysayan ng bansa. Isang kampanyang pinamunuan ng taumbayan. Isang kilusang nabuo hindi lang para baklasin ang luma at bulok na sistema, kundi para magpanday ng totoo at positibong pagbabago. Isinadiwa ninyo ang demokrasya, hindi lang sa pagboto, kundi sa pagmamahal sa kapwa Pilipino. Napakalaking tagumpay nito—at maituturing lang na bigo ang kampanya natin kung hahayaan nating malusaw ang nabuo nating samahan. Kaya sinasabi ko sa inyo ngayon: Walang nasayang; hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga: Hindi pa tayo tapos. Nagsisimula pa lang tayo. May landas na nagbukas, at hindi ito sasara kasabay ng mga presinto; may kilusang isinilang, at hindi ito papanaw sa pagtatapos ng bilangan. Ang namulat, di na muling mapipikit. Hindi natin kailanman hahayaang makatulog muli ang pag-asang nagising. Wala akong planong abandonahin ang mga bagay na habambuhay ko nang ipinaglalaban. Tuloy ang trabaho ko para iangat ang buhay ng mga nasa laylayan. Tinatawag ko kayong samahan ako dito, at sa iba pang mga laban. Kakailanganin ng bansa ang inyong patuloy na pakikilahok—hindi lang ukol sa anumang kahihinatnan ng bilangan at halalang ito, kundi sa pagsusulong ng katarungan, ng karapatan, ng dignidad ng Pilipino sa mga susunod na panahon. Tandaan natin: Nangyayari ang halalan kada tatlong taon. Sa pagitan nito, asahan na ninyo na marami tayong kakailanganing ipaglaban. Kaya huwag kayong bibitaw. Panatilihing aktibo ang mga komunidad. Patuloy na tumindig. Igiit ang katotohanan. Matagal binuo ang mga istruktura ng kasinungalingan; may panahon at pagkakataon tayo ngayong labanan at baklasin ito. Lalong palawakin ang pusong nabuksan na; damhin ang dinadaanan ng kapwa natin, makipasan ng mga dalahin nila, ituloy ang laban para iangat ang buhay ng lahat. Patuloy tayo magmahal. Maaaring hindi ngayon, maaaring hindi bukas o sa makalawa o sa susunod na taon, pero may liwanag pa ring nag-aabang basta't handa tayong magsikap na abutin ito. Wala nang mas lilinaw pang patunay sa naabot natin sa kampanyang ito: Nasa kamay ng karaniwang Pilipino ang tunay na kapangyarihan. Kayo ang totoong namumuno. Sumusunod lang ako. ‘Wag mapagod. Bukas at magpakailanman, magkakasama ang lahat ng Pilipino. Maraming, maraming salamat. Mabuhay ang sambayanang Pilipino. #

    Posted by VP Leni Robredo on Monday, May 9, 2022

    — Sally, The Summit Express

    No comments

    Post Top Ad

    Post Bottom Ad