FULL STORY: Krisel Mallari interrupted graduation speech | Latest News | The Summit Express

Navi-Grid TheSummitExpress - Your News Blog
Home About Us Contribute Team Summit Express Advertise

Privacy Policy Terms and Conditions

FULL STORY: Krisel Mallari interrupted graduation speech | Latest News


ADVERTISEMENT


Check out on this page the whole story and latest news on Krisel Mallari's interrupted salutatorian's speech.

Krisel Mallari interrupted graduation speech


MANILA, Philippines - Krisel Mallari, a graduate student of Sto. Niño Parochial School (SNPS) in Quezon City has been the viral topic recently as her controversial graduation speech being salutatorian was interrupted by school officials.


In the 4-minute video which was posted on Youtube on Saturday, Mallari was delivering a speech that was still in the early parts of her address when the announcer suddenly interrupted her, saying "Thank you very much, Ms. Krisel Mallari."

"Sa bawat taon na lumipas ay puspusan ang pag-aaral na ginawa ko sa eskuwela, naniwala ko sa patas na labanan. Sa pagtatapos ng school year na ito’y isang hakbang na lang ang layo ko sa finish line, ngunit sa pagdating ko rito’y naglaho ang pulang tali na sisimbolo sana sa aking tagumpay, naglaho nga ba o sadyang kinuha?" Mallari was saying when the announcer interrupted.

However, Mallari continued her speech and said: ""Maraming tao ang nagbulag-bulagan sa isang sistemang marumi at kaduda-duda. Ngunit di ko ito tinuluran, ipinaglaban ko ang sa tingin ko’y tama, nanindigan ako bilang isang Pilipino na palaban at may takot sa Diyos. Chismis, isang piyesta ng chismis ang inabot ko ng pinagmukha nila akong masama."


Full Text: Krisel Mallari's graduation speech (welcome remarks)

Though the speech was interrupted, the full text was released online with a strong statement: "I am Krisel Mallari, a Filipino citizen who would rather choose to fail with honor, than win by cheating. Adios!

"A pleasant morning to my fellow batchmates, to my teachers, guests, welcome to the 13th Commencement Exercises. Sa okasyong ito ay pinipili kong magsiwalat sa wika na aking kinagisnan, ang wikang Filipino o wikang Tagalog. Taong 2004 ng una akong umapak sa silid-aralan ng eskwelahang ito, upang mag-aral.

Ngayon, makalipas ang labing isang taon, ay narito ko sa inyong harapan upang ibahagi ang aking karanasan at magbigay-aral. Sa bawat taon na lumipas ay puspusan ang pag-aaral na ginawa ko sa eskwela, naniwala ko sa patas na labanan. Sa pagtatapos ng school year na ito’y isang hakbang nalang ang layo ko sa finish line, ngunit sa pagdating ko rito’y naglaho ang pulang tali na sisimbolo sana sa aking tagumpay, naglaho nga ba o sadyang kinuha? Maraming tao ang nagbulag-bulagan sa isang sistemang marumi at kaduda-duda. Ngunit di ko ito tinuluran, ipinaglaban ko ang sa tingin ko’y tama, nanindigan ako bilang isang Pilipino na palaban at may takot sa Diyos.

Chismis, isang piyesta ng chismis ang inabot ko ng pinagmukha nila akong masama. Ganun talaga minsan, pag umayon ka sa kung alin ang tama, ikaw pa ang lumalabas na mali. Di na nga nila pinakinggan ang iyong hinaing, nakuha ka pa nilang laitin. Kung sinasabi niyong wala akong acceptance, marami ako niyan, pero pano kong tatanggapin ang isang bagay na di naaayon sa katotohanan. Para san pa ang aking dedikasyon sa pag-aaral at hustisya kung di ko naman ito ipaglalaban. Sa kabila ng nangyari ay masaya padin ako, tulad nga ng laging sinasabi sa teleseryeng Dream Dad, “Maganda ang buhay”, kaya bakit ako mag-aaksaya ng oras sa kanila kung mas maraming mas kapaki-pakinabang na bagay ang pwede kong gawin.

Ngayon ay may piling indibidwal akong gustong pasalamatan, ito yung mga tao na sumuporta sakin sa kabila ng eskandalo na idinulot ng ipaglaban ko kung ano ang sa tingin ko ay tama. Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang Diyos, isa siyang ama, kapatid, kaibigan na naging sandigan ko sa lahat ng pagkakataon, sa hirap at ginhawa. Sa aking ama, dad salamat, salamat kasi ni minsan ay di mo kami sinukuan, salamat kasi naniwala ka sa kakayanan ko, salamat kasi ipinaglaban mo ko kahit pa sumama ang tingin sayo ng iba, salamat kasi ikaw si Ernesto Mallari, ang haligi ng tahanan na nakukuha paring magpatawa kahit alam ko na sa loob niya ay nahihirapan na siya. Sabi nga sa isang pelikula ni Robin Williams, “You are the world’s greatest dad”.

Sa aking ina, isang napakalaking thank you, siguro nga’y madalas akong makulitan sa’yo dahil sa madalas mong pangangaral, paulit-ulit nga siguro ang mga sinasabi mo, pero ma, yan ang tunay na dahilan kung bakit the best ka, dahil di ka tumitigil na pangaralan kami pag alam mong naliligaw kami ng landas. Talaga ngang totoo yung kataga na “Mother knows best”. Sa pinakamaganda kong ate, Ate Kat, salamat kasi ikaw ang pinaka nakakaintindi sa mga hilig at pinagdadaanan ko bilang isang babae, ikaw ang aking selfie buddy, church buddy, at shopping buddy na pinagkakatiwalaan ko ng mga sikreto.

Sa napakatalino kong kuya, Kuya Kerwin mainitin ang ulo mo, medyo mayabang ka nga siguro, at medyo tamad mag-aral; pero ang di alam ng marami, busilak ang puso mo, salamat kuya, sa pagturo sakin na manindigan pag alam kong ako ang nasa tama. Sa napaka-cute kong kapatid, salamat Kristine, ikaw na siguro ang pinakamatuturing kong tunay na BFF. Julia, Clang, Katrina, Faye, Dane, Nico at sa iba pa, napatunayan niyo sakin na tama ang katagang “quality over quantity”, siguro nga’y di kayo karamihan, pero alam ko na bawat isa sa inyo ay maaasahan at mapagkakatiwalaan ko, kaya salamat! Sa mga teachers na napalapit na sa aking puso, Ma’am Factora, Mam Calanoga, Mam Amil, Mam Garcia, Mam Restor, Mam Castillo, Mam Acacio at Sir Francis, nagsilbi po kayong pangalawang magulang ko, salamat po. At siyempre pa, sa mga taong bumabatikos at nagbibigay ng negatibong komento sa akin, isang napakalaking thank you, kayo ang dahilan kaya’t mas pinagbubuti ko pa ang pag-aaral, tulad nga ng sinabi ng basketbolistang si Dwyane Wade, “My belief is stronger than your doubt”.

Panibagong kabanata ang aking haharapin, bilang isang accountancy student sa University of Santo Tomas. Panibagong hamon na nakangiti kong haharapin. At para sa ating lahat mga kapwa ko graduates, ito’y isang mahalagang kabanata kung saan natin gagawin ang pinakamahalagang mga desisyon sa ating buhay. Kaya naman good luck sa inyo, at good luck din para sa kinabukasan ng paaralang ito. Let me finish this in style and say my last words in the vernacular language of the world. I am Krisel Mallari, a Filipino citizen who would rather choose to fail with honor, than win by cheating. Adios!"

Krisel Mallari Facebook
Krisel Mallari
Krisel says delivered speech was not pre-approved by the school

In an interview, Mallari confirmed that the speech she delivered during the graduation rites was different from the one approved by school authorities. She said that the school will not approve speech containing what she really wants to say which is about an alleged cheating incident in the school. She however believed on 'freedom of speech'.

Krisel's sister Katherine said that even before the graduation rites, they had been asking the school to release the computation of Krisel's grades for the sake of transparency.


SNPS airs statement: admits stopping salutatorian's speech

The Sto. Nino Parochial School (SNPS) has admitted the incident of stopping the speech of Mallari because it was not the "welcome remarks" originally submitted to them and may damage the reputation of the batch valedictorian.

The officials also claimed that they already showed to Krisel's father Ernesto, the grades and computation of every subjects but did not disclosed grades of the valedictorian as it violates the school policies. The school also said Ernesto shouted at several teachers.

"Halos araw-araw nitong nakalipas na Linggo ay hina-harass ni G. Ernesto Mallari ang mga guro. Ang isa ay sinigawan niya, ang ilan ay pinilit niyang pumirma sa papel na dala nito. Ang Grading System ng paaralan ay computerize at hindi maaaring galawin o baguhin," it said.

The school also said that Krisel complained about her grades at the end of every school year.

"Halos taun-taon tuwing matatapos ang school year ay mayroon complaints si G. [Ernesto] Mallari [father] at Krisel Mallari. Laging ipinapaliwanag at kinakausap sila ng paaralan tungkol dito," said an official statement of the school.

On the other hand, Mallari has denied the accusations of the school and said that computation of grades is not yet given until now.


SNPS valedictorian breaks silence: Top award ‘not for you’, says to Krisel

The valedictorian whose identity was withheld said that Krisel accept that she could not get the top place in their batch. She was accused of cheating just to get the valedictorian award as implied on Krisel's speech.

“Krisel, I wish that you learn to accept that some things are not meant for you. You should not tarnish the reputation of the school. Many were hurt (by your allegations),” said the valedictorian.

She also denied allegations that her family bribed the Catholic school so that she would be named class valedictorian.

“The school did nothing wrong. The allegation that our family bribed the school so that I can be the valedictorian is not true. We are not that rich to do that,” she said.


Mallari's viral speech earns mixed reactions from netizens

The viral video quickly earns mixed reactions from social media. Some are in favor of Mallari's bravery in seeking for justice while others say we should know the whole story first before judging anyone else.







DepEd questions timing of QC salutatorian's speech; probe has started

The Department of Education (DepEd) on Wednesday questioned whether the graduation was the right forum for the student to "express freely" her thoughts and issues against the school.

Secretary Armin Luistro said airing the grievances during graduation does not give the school a chance to answer back.

"Sa Pilipinas naman, bawa't isa may karapatan na magsalita ng kanyang saloobin, pero yung kanyang inaakusahan, may karapatan din yun na sumagot. Eh kung sa graduation speech mo, walang karapatan yung kabila na sumagot," Luistro said.

On their part, DepEd already launched an investigation asking the school to explain within 48 hours what really happened.

Mallari’s case was also raised to the DepEd National Capital Region Division and the National Office.

Who do you think is telling the truth? Leave a comment below.

Like Us on Facebook, Follow Us on Twitter or subscribe via E-mail to receive more updates.


ADVERTISEMENT